Martes, Setyembre 13, 2016

Ang Buhay Ng Tao Ay Parang Bula!: Ang Buhay Ay Parang Isang Gulong

Ang Buhay Ng Tao Ay Parang Bula!: Ang Buhay Ay Parang Isang Gulong: A ng buhay talaga ay parang gulong, minsan nasa ibabaw, minsan naman nasa ilalim. Sinong mag-aakala na kung sino pa yung inaapi api ang sya...

Lunes, Setyembre 12, 2016

Ang Buhay Ay Parang Isang Gulong

Ang buhay talaga ay parang gulong, minsan nasa ibabaw, minsan naman nasa ilalim. Sinong mag-aakala na kung sino pa yung inaapi api ang syang magtatagumpay, at kung sino pa yung nagmamataas ay sya palang magpapakababa pagdating ng panahon; sya pang lalapit at manghihingi ng tulong sa taong inapi api nya noon. Iba talaga ang sakit na dala ng pananakit pisikal kesa emosyonal; mahirap burahin ang mga marka sa puso. Matagal at mahabang panahon ang bubunuin para tuluyang makapagpatawad.
Ngunit gaano pa man kasakit ang napagdaanan, gaano pa man kalalim ang sugat na naiwan, hinding hindi ka rin tuluyang magiging maligaya kahit pa man nagtagumpay ka na sa buhay kung puno pa din ng poot ang puso mo. Ang pagpapatawad ay hindi pagpapalaya sa taong nanakit sayo, ito ay pagpapalaya sa sarili mo mismo sapagkat tanging sa pagpapatawad lamang natin makakamit ang tunay na kaligayahan.